Bawat tao ay may hinahangaan, may inspirasyon upang ipagpatuloy ang pangarap na nasimulan. Sina Midnight at Zico isa sa mga kilalang coaches ng Mobile Legends ay bumisita upang magbahagi ng kaalaman sa mga kupunan. Itinuro ng coaches ang mahahalagang stratehiya at fundamentals na kanilang magagamit upang maging susi sa pag abot ng kanilang pangarap. Anila, gawing inspirasyon ng mga manlalaro ang mga natutunan sa Dayo Serye upang mas gumaling pa. Dahil di maitatanggi, marami ang mga nagbukas at magbubukas pang oportunidad sa bawat isa. Kinakailangan nga lang itong mahasa pa. #dayoseryemlbb